Zephanie Dimaranan, imbitado sa boot camp ng Now United sa Abu Dhabi

Zephanie Dimaranan, imbitado sa boot camp ng Now United sa Abu Dhabi

KINUMPIRMA ng Idol Philippines grand winner Zephanie Dimaranan na napili siyang kalahok sa boot camp ng grupong Now United na gaganapin sa Abu Dhabi.

Sa social media post din ng Now United, ibinahagi ang pagkakapili kay Zephanie bilang kasama sa labindalawang uniters mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na magpapakitang gilas sa international stage sa Now United creative hub sa Abu Dhabi.

Anytime naman mula ngayon ay aalis si Zephanie at ang team nito patungong Dubai bagama’t hindi pa rin alam ng 18 year old singer kung ano ang gagawin nito sa naturang boot camp at kung kailan magtatagal ito.

Bukod kay Zephanie Dimaranan, kabilang din sa labindalawang uniters na nakapasok sa naturang boot camp  ang US-based Pinay na si Jayna Hughes.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *