katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan
Regional

Zambales at Bataan, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan

SA lagay ng panahon, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na hangin ang lugar ng Zambales at Bataan ngayong araw.

Batay sa Weather Forecast ng Pagasa, asahan ang pagbuhos ng ulan sa susunod na dalawang oras.

Kasalukuyan naman nang nararanasan ng probinsya ng Quezon partikular na sa lugar ng San Narciso, Mulanay at karatig na lugar ang parehong kondisyon na magtatagal pa sa susunod na dalawang oras.

Samantala, tumigil na ang thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa.

Inaabisuhan naman ang lahat ng apektadong lugar na magsagawa na ng mga precautionary measure sa mga di inaasahang insidente tulad ng flash floods at landslides.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *