Yulo, sasabak na muli sa gymnastic competition sa Oktubre

Yulo, sasabak na muli sa gymnastic competition sa Oktubre

SASABAK na muli si Carlos Yulo sa gymnastic competition sa darating na Oktubre.

Nakatakdang depensahan ni Carlos Yulo ang pagiging floor exercise world champion sa 50th Fig Artistic Gymnastics World Championships sa Oktubre 18 hanggang 24 sa Kitakyushu, Japan.

Batay sa social media posts ni Yulo at ang Japanese coach nitong si Munehiro Kugimiya ay kasalukuyan na siyang nag-eensayo para dito.

Magugunitang si Yulo ang paboritong manalo ng Olympic gold sa Gymnastic Competition ng Tokyo Olympics subalit dahil sa kaunting mali nito sa kanyang routine na siyang naging dahilan kung bakit hindi ito naka-abante para sa medal round.

Tiniyak naman ng gymnast na babalik siyang malakas para sa Pilipinas sa susunod pang mga kompetisyon.

2019 nang makuha ni Yulo ang world title sa floor exercise sa Stuttgart, Germany at siya rin ang kauna-unahang Pinoy at Southeast Asian Gymnast na nanalo dito.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *