Yulo, nakapag-uwi ng dalawang bronze medals sa All-Japan Gymnastics

Yulo, nakapag-uwi ng dalawang bronze medals sa All-Japan Gymnastics

NAGAWANG makuha ni Carlos Yulo ng ilang medalya sa kanyang preparasyon para sa Tokyo Olympics matapos itong manalo ng dalawang bronze medals sa All-in Japan Gymnastics Championships.

Nakuha ni Yulo ang ikatlong puwesto sa parehong floor exercises at vault competition.

Nagtapos ang Filipino Olympian sa ikawalong puwesto sa men’s all-around na may total score na 170.032.

Si Yulo na nanalo ng gold medal sa floor exercise ng 2019 Stuttgard World Championships ay kasalukuyang nasa Japan at nag-iensayo para sa Olympics.

Isa rin ito sa apat na Pinoy na nag-qualify para sa Tokyo Summer Games kasama ang boxers na sina Irish Amgno at Eumir Marcial at pole vaulter na si EJ Obenia.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *