Yeng Guiao
Sports

Yeng Guiao, nagbitiw na sa pwesto bilang head coach ng Gilas

NAGBITIW na sa pwesto si Yeng Guiao bilang head coach ng Gilas Pilipinas upang bigyan daan umano ang samahan ng basketball ng Pilipinas na gawin ang mga bagay na makapagpapa-unlad sa koponan ng Pilipinas.

Matapos umuwi ang Pilipinas mula sa China ay nagbitiw na sa pwesto si Yeng Guiao.

Matatandaang, bigong naipanalo ng Gilas ang kanilang mga laro, laban sa iba’t ibang bansa gaya ng Italya, Serbia, Angola at Iran sa FIBA World Cup 2019.

Inaako rin ni Guiao ang responsibilidad sa pagkatalo ng Gilas Pilipinas.

Samantala, pinasalamatan naman ng Samahan ng Basketball ng Pilipinas si Yeng sa lahat ng kanyang mga kontribusyon sa koponan at umaasa sila ng mabuti sa lahat ng mga future endeavor nito.

Nagpasalamat din si Guaio sa oportunidad na binigay sa kanya bilang coach ng koponan ng Pilipinas.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *