pagputok ng Bulkang Taal
National

Worst case scenario, pinaghandaan sa pagputok ng Bulkang Taal

NAKAHANDA na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa worst case scenario kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakatutok ang NDRRMC sa susunod na posibleng mangyari kung puputok ito katulad sa Bulkang Pinatubo.

Dagdag pa ni Lorenzana, walang mga signs or indicator na puputok ang isang bulkan hindi katulad sa bagyo na makikita nila kung saan ito tatama.

Sinabi ni Lorenzana na may nakahanda naman na contingency plan ang gobyerno kung darating talaga ang worst case scenario sa pagputok ng nasabing bulkan.

Sapat ang pondo para sa relief operations ng mga biktima sa pagputok ng Bulkang Taal

Tiniyak ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na sapat ang pondo para sa relief operations sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.

 Ayon kay Lorenzana, hindi pa kailangan sa ngayon na humingi ng tulong mula sa ibang bansa.

 Sinabi ng kalihim na kung may mag-alok ng tulong ay tatanggapin ng gobyerno pero hindi manghihingi sa ngayon lalo pa’t hindi naman daw ganun kalaki o kalawak ang naidulot na pinsala.

 Dagdag pa ni Lorenzana, Enero lang din ngayon kaya marami pang pagkukunan ng pondo mula sa nilagdaang national budget.

 Kaugnay nito, tiniyak din ni Lorenzana na nakahanda ang gobyerno na magsagawa ng malawakang rescue operations kung kinakailangan sa mga biktima ng pagsabog kahapon at kung muling sasabog ang bulkan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *