kinansela
Showbiz

World tour concert ng K-pop group na Seventeen, kinansela dahil sa nCov

DAHIL sa takot na banta ng 2019 Novel coronavirus, kinansela ng South Korean group na Seventeen ang kanilang world tour concert.

Sa kanilang social media account, inanunsyo ng kanilang agency ang pagkansela sa mga nakatakda nilang concert.

Sa anunsyo ng Pledis Entertainment, sinabi nito na inaalala nila ang kalusugan ng grupo kaya minabuting kanselahin ang world tour sa Pebrero at Marso.

Kabilang sa mga nakansela ang mga show sa Kuala Lumpur, Taipei, Madrid, Paris, London at Berlin.

Tiniyak naman ng grupo agad nilang iaanunsiyo ang mga susunod na concert tour sa kanilang social media page.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *