Women’s volleyball team ng Pilipinas, ikinatuwa ng federation president

Women’s volleyball team ng Pilipinas, ikinatuwa ng federation president

IKINATUWA ni Philippine national volleyball federation President Ramon Suzara ang naging resulta na ginawa sa women’s volleyball team ng Pilipinas ni Brazilian coach Jorge Edson Souza De Brito.

Sa kabila nito ng hindi pagkapanalo ng koponan sa kahit isang game sa Asian women’s club volleyball championships sa Thailand.

Magugunitang itinalaga si Souza De Brito ng Federation Internationale de Volleyball (FIVB) para manguna sa training program ng national team.

Ayon kay Suzara, nakita nya si De Brito kung paano nito isinasagawa ang training at malaking improvement ang naidulot nito sa mga kasapi ng national team.

Ang kinakailangan lang ani Suzara, maglaro at maglaro pa ang women’s volleyball team sa 2022 para ma-enhance ang kanilang skills.

Makakatulong rin ito para maiangat ang rankings ng volleyball team sa world ranking sa FIVB.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *