Women restaurant, matagumpay na naitayo ngayon sa Bangkok

Women restaurant, matagumpay na naitayo ngayon sa Bangkok

MATAGUMPAY na naitayo ang isang women restaurant sa kanayunan ng Ayutthaya, Thailand.

Sa pangunguna ng Boonserm Premthada kasama ang Bangkok project studio, matagumpay nitong naitayo ang isang community based focused project sa bansa na kung tawagin ay Artisans Ayutthaya o isang women restaurant.

Ang nasabing restaurant ay itinayo sa Ancient city ng Ayutthaya.

Ang nasabing lugar ay tinitirhan ng mga byudang babae na may edad mula 55 hanggang 94 na taong gulang na siyang nagluluto ng ulam para itinda.

Ang restaurant ay binubuo ng limang tatsulok , na nakaayos upang mag-iwan ng mga landas at courtyard sa pagitan ng mga ito pati na rin ang isang terrace sa harap ng ilog.

Bawat volume ay may iba’t ibang function ngunit lahat sila ay pinag-isa sa parehong construction: timber frame at translucent glass blocks.

Samantala, kasabay ng pagtatayo sa nasabing proyekto ay nasungkit nito ang titulong the design prize 2021 bilang social impact sa bansa.

SMNI NEWS