Willie Revillame, pinabulaanan na tatakbo siya sa pagka-bise presidente

Willie Revillame, pinabulaanan na tatakbo siya sa pagka-bise presidente

MARIING pinabulaanan ni Willie Revillame na tatakbo ito sa pagka-bise presidente para sa 2022 national election.

Sinabi ni TV host Willie Revillame na hindi ito tatakbo bilang running mate ni Senator Christopher Bong Go.

Nilinaw ni Revillame na susuporta lang siya kay Senator Go at kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte bilang bise presidente sa 2022.

Kasunod ito sa ulat na nakipag-usap umano si Revillame kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin naman ni Revillame na nakipag-usap nga sya sa pangulo subalit iba umano ang kanilang pinag-usapan.

Ginawa ni Revillame ang paglilinaw sa naging launching ng ika-149th Malasakit Center sa San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Malabon City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *