Wildfire sa Spain
International

Wildfire sa Spain, umabot na sa mahigit 6,000 ektaryang lupa ang natupok

MULA sa 500 ektarya ay umabot na sa mahigit 6,000 ektaryang lupain ang tinupok ng nagpapatuloy na wildfire sa Spain.

Nagsimula ang wildfire sa Catalonia Region noong Huwebes habang patuloy ang mga firefighters sa pagsugpo sa sunog upang pigilan ang tuluyang pagkalat nito.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay may kinalaman ang mga hindi nalinis at natuyong dumi ng manok na kusa umanong sumasabog dahil na rin sa heatwave o matinding init na nararanasan sa bansa.

Isa lamang ang Spain sa mga bansang apektado ng heatwave sa Europe kung saan umabot na sa 43 degrees Celsius ang temperatura ng init dito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *