WHO, sinabing nakabawas ng 40% nang hawaan ng COVID-19 ang bakuna

WHO, sinabing nakabawas ng 40% nang hawaan ng COVID-19 ang bakuna

NABAWASAN ng 40% ang hawaan ng COVID-19 pandemic dahil sa vaccination campaign ng pamahalaan ayon sa World Health Organization (WHO).

Ayon kay World Health Organization’s Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, marami sa mga vaccinated na mga tao ang nag-iisip na ‘di na nila kailangang mag-ingat.

Ani Tedros, dapat pa ring mag-ingat ang mga taong nabakunahan na at sumunod pa rin sa mga ipinatutupad na health protocol.

Dagdag pa nito, maaaring makapag-ligtas ng buhay ang bakuna ngunit hindi ito tuluyang makapipigil sa hawaan ng COVID-19.

Base sa datos, noong wala pang Delta variant, aabot sa 60% na nakababawas nang hawaan ang COVID-19 vaccine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *