WHO, pinili ang Fiocruz para gumawa ng bakuna kontra COVID-19 sa Brazil

WHO, pinili ang Fiocruz para gumawa ng bakuna kontra COVID-19 sa Brazil

NAPILI ng World Health Organization ang Institute of Technology in Immunobiologicals ng Oswaldo Cruz Foundation (Fiocruz) para maging center ng pagawaan at development ng bakuna kontra COVID-19 sa Brazil.

Pinili ang Fiocruz ng Brazil dahil na rin sa advance na technological development ng MRNA vaccine kontra COVID-19 na sa ngayon ay nasa pre-clinical trials stage.

Ayon kay Fiocruz President, Nísia Trindade Lima na ang nasabing teknolohiya ay idadagdag sa pinag-aaralan nitong adenovirus na ginagamit ng Fiocruz/AstraZeneca immunizer kontra COVID-19.

Mahalaga ang nasabing pagpili ng WHO para sa pagpapalawig ng development ng kanilang pag-aaral sa nasabing bakuna.

Ang Messenger RNA (MRNA) vaccine ay isang klase ng bakuna na sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng mga eksperto.

Kasabay sa pagpipili sa Fiocruz ay ang Sinergium Biotech ng Argentina, na isang pribadong Biopharmaceutical company.

Samantala, inilunsad noong Abril 16 ang pagpapalawig ng produksyon ng bakuna laban sa COVID-19 at 30 na mga kumpanya at Science Institution ang nakilahok sa seleksyon, ngunit dalawang kumpanya lamang ang napili ng WHO sa pamamagitan ng pan American Health Organization (PAHO) para isagawa ito.

“We congratulate the two selected centers. There is hard work ahead, but we are driven by the conviction that this endeavor will result in timely and equitable access to vaccines in our region, which continues to be the hardest hit by this pandemic,”ayon kay Dr. Jarbas Barbosa.

SMNI NEWS

.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *