WHO, nais i-review ang COVID-19 vaccine na inaprubahan ng Russia

WHO, nais i-review ang COVID-19 vaccine na inaprubahan ng Russia

INIHAYAG ng World Health Organization (WHO) na isasailalim na sa review ang COVID-19 vaccine na inaprubahan ng Russia.

Kahapon ng inihayag ni President Vladimir Putin, na ang Russian ang kauna-unahang bansa na nag-apruba ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan sa Russia si United Nations Health Agency’s spokesman Tarik Jasarevic para sa WHO pre-qualification sa bakuna.

Ang Sputnik V ng Russia ay ginawa ng Gamaleya Research Institute sa pakikipag-ugnayan sa Defense Ministry ng kanilang bansa.

Ayon sa WHO, mayroong 128 vaccines ang ginagawa sa buong mundo, 28 ang gumagawa na ng clinical trial, kung saan 6 sa mga ito ay nasa Phase 3 na.

Samantala, inilista sa Phase 1 ang nasabing bakuna na gawa ng Gamaleya, ngunit ayon kay Kirill Dmitriev, pinuno ng Russian Direct Investment Fund, sisimulan ng ngayon araw ng Miyerkules ang Phase 3.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *