WHO, hinimok ang vaccine manufacturers na ibigay ang 50% ng bakuna sa COVAX

WHO, hinimok ang vaccine manufacturers na ibigay ang 50% ng bakuna sa COVAX

NANAWAGAN ang World Health Organization (WHO) sa mga COVID-19 vaccine manufacturers na ibigay sa COVAX facility ang first refusal sa mga bagong doses o di kaya’y ipamahagi nila ang kalahati ng kanilang suplay sa global jab equity scheme.

Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus dapat ibaling ng mga manufacturers ang kanilang pansin sa COVAX Facility na nahihirapan ngayon na makakuha ng donation-funded doses para sa mga mahihirap na bansa.

Ani Tedros marami pang mga mahihirap na bansa ang hindi pa nagawang bakunahan ang kanilang health workers, mga matatanda at iba pang populasyon na vulnerable sa COVID-19.

Habang ang ibang mayayamang bansa aniya na may kakayahang bumili ng mga bakuna ay naghahanda na sa pagpapabakuna sa mga bata.

Nanawagan ang WHO director general para sa isang massive global effort para mabakunahan ng lahat ng bansa ang 10% ng kanilang populasyon sa buwang ng Setyembre at 30% sa katapusan ng taon.

Nasa 250 million doses ng COVID-19 vaccines ang kakailanganin para sa Setyembre, at ngayong Hunyo at Hulyo pa lang ay 100 million doses na ang kinakailangan.

Ang COVAX ay kapwa pinamumunuan ng WHO, GAVI at ng Coalition for Epidemic Preparedness Innovations.

Itinatag ito upang matiyak ang patas na pamamahagi ng mga bakuna, partikular sa mga bansang may mababang kita.

Nakapaghatid na ang COVAX ng mahigit 80 million doses ng COVID-19 vaccine sa 189 na bansa.

Nilalayon ng COVAX Facility na makakuha ng sapat na bakuna para sa 30% populasyon ng 91 pinakamahihirap na bansa, at 20% sa India.

Pero nakakaranas ng hindi pantay na pandaigdigang distribyusyon ng COVID-19 vaccines ang COVAX at maging delay sa mga delivery.

(BASAHIN: Pilipinas, makakuha ng 40 milyong libreng bakuna mula sa COVAX facility)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *