WHO: Delta, mas dominante kaysa sa ibang COVID-19 variants of concern

WHO: Delta, mas dominante kaysa sa ibang COVID-19 variants of concern

NANGINGIBABAW na sa dami ang Delta variants ayon sa World Health Organization (WHO).

Sa press briefing ng WHO kamakailan, sinabi nito na pinapalitan na ng Delta ang iba pang kumakalat na variants of concern.

Anila sa mga nai-sequence na samples sa buong mundo, maliit na bahagi nalang dito ang Alpha, Beta at Gamma.

Saad ng WHO sa kasalukuyan mas mababa pa sa 1% ang dami ng naturang tatlong variant of concern.

“Delta has become more fit, it is more transmissible and it is out-competing, it is replacing the other viruses that are circulating,” pahayag ni Maria Van Kherkhove, Technical lead on COVID-19.

“It’s really predominantly Delta around the world,” dagdag nito.

Una ng sinabi ng WHO noong Hulyo na mabilis na magiging dominante ang Delta kaysa sa ibang variants of concern.

Nasa 185 na bansa na sa ngayon ayon sa WHO ang may kaso ng Delta variant.

Sa Pilipinas, matatandaang inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na pinakakaraniwang lineage sa bansa sa ngayon ang mas nakakahawang Delta variant.

Saad ng DOH sa 12, 530 samples na nai-sequence hanggang Setyembre 18, nasa 24.2% ng samples ay positibo sa Delta Variant.

Kumalat na rin sa labing pitong rehiyon ng bansa at sa buong National Capital Region (NCR) ang naturang variant of concern.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *