Metro

Water level sa La Mesa Dam patuloy na bumababa

Patuloy na bumababa ang antas ng tubig sa La Mesa Dam dahil sa lakas ng konsumo sa tubig ng Metro Manila.
Ayon sa La Mesa Headworks Office, nasa code red o mas mababa na sa normal ang tubig sa dam, kung saan ay nasa 78.46 meters na lamang ito.
Tiniyak naman ng ahensiya na hindi mawawalan ng suplay ng tubig ang Metro Manila.
Dahil dito, hinimok ng ahensiya ang publiko na magtipid sa tubig at i-report ang mga tubong may tagas o iligal na koneksiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *