Sports

Warriors, nalusutan ang Cavs sa Game 1 ng NBA Finals

Makapigil hininga ang laban ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers sa Game 1 ng NBA Finals.

Mula una hanggang sa huling quarter ay naging dikit ang laban na nagresulta sa isang overtime game matapos magtabla sa 107 ang iskor sa pagtatapos ng 4th quarter.

May tsansa pa sana na maipanalo ng Cavs ang laro matapos na mabigyan ng 2 free throws si George Hill nang mafoul ito ni Klay Thompson, 4.7 sec ang natitira sa 4th quarter, ang iskor 106-107 pabor sa Warriors.

Sa dalawang tira nito sa free throw isa lang ang pumasok ngunit nakuha ni JR Smith ng Cavs ang rebound.

Pero imbes na i-shoot ang bola, dahil malapit na ito sa ring, ang ginawa ay inilabas pa niya ito palayo sa ring hanggang sa maubusan na sila ng oras.

Para kay Cavs Coach Tyronn Lue, inakala ni Smith na lamang sila ng isa kaya lumayo siya sa ring.

Pero para kay Smith, alam niya na table ang laban.

Inilabas niya ang bola dahil para magkaroon ng magandang tira at sa pagaakala rin na magta-timeout sila.

Pagsapit sa OT ay dito na tinambakan ng warriors ang Cavs at nagtapos ang laro sa iskor na 124-114.

Nanguna sa Warriors si Steph Curry sa kanyang 29 points. Nag-ambag naman ng 26 pts si Kevin Durant at 24 points mula kay Klay Thompson.

Si Lebron James naman ang umarangkada ng husto para sa Cavs na nakakolekta ng 51 points.

Tumulong naman para sa Cavs si Kevin Love sa kanyang 21 points.

Sa araw ng Lunes ang Game 2 ng NBA Finals na gaganapin pa rin sa homecourt ng Warriors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *