Walk-in COVID-19 testing sa Ospital ng Sampaloc, Maynila, dinagsa rin ng taga-ibang lungsod

Walk-in COVID-19 testing sa Ospital ng Sampaloc, Maynila, dinagsa rin ng taga-ibang lungsod

DINAGSA ng mga tao ang Ospital ng Sampaloc sa Maynila upang pumila sa kabubukas lamang na walk-in Covid-19 testing center.

 

Kabilang sa mga pumila ay hindi lamang residente sa lungsod ng Maynila kundi galing ang mga ito sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region (NCR).

 

Inanunsyo ng Manila LGU na libre at bukas para sa lahat ang Covid-19 testing dito sa Sampaloc Hospital.

 

Bukod sa Sampaloc Hospital, nauna nang binuksan para sa mga motorista ang COVID-19 Drive Thru Testing Center sa Kartilya ng Katipunan sa tabi ng City Hall noong July 15 at ang pangalawang site sa Quirino Grandstand, Manila nitong Sabado, July 18.

 

Ang pagbubukas ng walk-in Covid-19 testing sa Sampaloc Hospital ay bilang tugon ng pamahalaan sa panawagan ng ilang mga walang sasakyan na maka-avail  din ng libreng Covid test.

 

Pinangunahan naman ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang paglunsad ng ng kauna-unahang walk-in Covid-19 testing center.

 

Kagaya ng Drive Thru Testing Center ng lokal na pamahalaan, bukas ang Walk-In Testing Centerj ng Maynila, hindi lamang sa mga residente nito kundi maging sa mga residente sa labas ng lungsod.

 

Kukunan ng blood samples ang mga pasyenteng gustong magpa-test at ipoproseso ng medical personnels gamit ang nabiling Covid-19 serology testing machines.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *