walang nadamay
National

Walang nadamay na Pilipino sa pagpapasabog sa Pakistan

TINIYAK ng Department of Foreign Affairs na walang nadamay na Pilipino sa magkakasunod na pagpapasabog sa Pakistan nitong Biyernes.

Ayon sa DFA, wala pa silang natatanggap na ulat na may mga Pilipino sa naturang mga pagsa­l­akay

Bagama’t patuloy silang nag-aantabay ng mga impormasyon.

Batay sa report, umaabot na sa 40 katao ang kumpirmadong nasawi sa naganap pagpapasabog ng granada at pamamaril ng mga salarin.

Nangyari ang pagsabog malapit sa Chinese consulate sa Karachi na sinundan ng pagsalakay sa isang pamilihan sa Orakzai.

Mariing kinondena ng DFA ang naturang pag-atake at muling iginiit ang kooperasyon sa pag­laban sa terorismo.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga biktima ng naturang mga pag-atake.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *