National

Walang banta sa Undas at ASEAN Summit—NCRPO

WALANG namonitor na anumang banta ng terorismo ang National Capital
Region Police Office (NCRPO) sa nalalapit na Undas at Association of
Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Tiniyak ni NCRPO Director Oscar Albayalde na wala silang natatanggap na terror threat sa kalakhang Maynila sa gitna ng kanilang preparasyon sa All Saints Day, All-Souls Day at ASEAN Summit.
Dagdag ni Albayalde na magsasagawa sila ng karagdagang dry runs para sa
security preparations sa ASEAN Summit para maayos ang security routine.
Kasabay nito, pinaalalahanan naman ni Albayalde ang publiko na huwag
magdala ng kontrabando gaya ng baril, ilegal na droga at alak sa mga
sementeryo at bantayan ang kanilang mga anak para maiwasan ang security
concerns sa undas.
Una nang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko sa posibleng
terrorist attack kasunod ng deklarasyon na malaya na ang Marawi City mula
sa Maute Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *