Wage subsidy para sa SMEs, suportado ng mga senador

Wage subsidy para sa SMEs, suportado ng mga senador

SUPORTADO ng mga senador ang panukalang P24-billion wage subsidy program na magbibigay ng pagkakataon sa mga small and medium private enterprises (SMEs) na ma-retain ang mga empleyado nito at maiwasang madagdagan ang bilang ng mga nawalan ng trabaho.

Ito ay ayon mismo kay Senate Minority Leader Franklin M. Drilon.

(BASAHIN: Drilon, pinuna ang mas malaking pondo ng confidential at intelligence kaysa housing)

Upang mapondohan ang programa, hinimok ni Drilon ang Department of Budget and Management (DBM) na agarang irekomenda kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang realignment ng mga hindi nagamit na Special Purpose Funds (SPFs) pati na ang P19 billion na target fund para sa anti-insurgency efforts ng NTF-ELCAC.

(BASAHIN: Pagpapanatili sa pondo ng NTF-ELCAC ilalaban ni Senador dela Rosa)

Inihayag din ni Sen. Joel Villanueva ang suporta nito sa nasabing programa at sinabing hindi lang dapat gumagawa ng paraan ang pamahalaan kapag nawalan na ng trabaho ang mga empleyado at sa halip ay dapat itong kumilos upang manatiling bukas ang mga kumpanya.

Target ng nasabing programa na ayudahan ang mga empleyadong naapektuhan ng pandemya ng P8,000 kada buwan sa loob ng tatlong buwan ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

(BASAHIN: Kahalagahan ng pagpasa sa panukalang Bayanihan 3, ipinaliwanag)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *