miyembro ng ICAD
National

VP Robredo, nagpatawag ng isang pulong kasama ang lahat ng miyembro ng ICAD

NAGPATAWAG na ng pulong si Vice President Leni Robredo sa mga miyembro ng ICAD o Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs ngayong araw.

Ayon kay Robredo, inimbitahan niya ang mga ahensya na nasa ilalim ng ICAD para sa meeting mamayang hapon sa kanyang opisina sa Quezon City.

Kasunod ito ng pagtanggap ng bise presidente sa pagtalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng ICAD.

Inaasahang ipaaalam ni Philippine Drug Enforcement Agency Chief Aaron Aquino kay Robredo na kanyang co-chair sa ICAD ang status ng war on drugs ng pamahalaan.

Ipinangako naman ni Robredo na magpapatuloy ang kaparehong lakas ng kampanya laban sa iligal na droga. Gayunman, babaguhin aniya ang paraan kung paano ito ginagawa.

Nilinaw din ni Robredo na hindi niya iniisip ang posibleng pagtakbo sa 2022 nang tanggapin niya ang ICAD appointment.

Kinumpirma rin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pagpapatawag ng pulong ni Robredo sa ICAD members.

Vice Pres. Robredo at Sen. Lacson, magpupulong

 Nakatakdang ding makipagpulong si Vice President Leni Robredo kay Sen. Panfilo Lacson para talakayin ang ilang posibleng hakbang sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Tiniyak naman ni Lacson na handa niyang tulungan si Robredo sa interes nito na makahanap ng solusyon sa problema sa lipunan.

Maging si Lacson ay dati nang inusisa ang law enforcement officials ng gobyerno, kung totoo nga bang nagtatagumpay ang mga ito sa war on drugs campaign, katulad din ng itinatanong ngayon ng bise presidente.

Sa ngayon, wala pang eksaktong araw at oras ang gagawing pag-uusap ng dalawang opisyal na kapwa abala sa kanilang mga trabaho.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *