VP Leni Robredo, nakita ang tunay na pagkatao sa pagtutol sa NTF-ELCAC

VP Leni Robredo, nakita ang tunay na pagkatao sa pagtutol sa NTF-ELCAC

UNTI-unting nahahayag ang pagkatao ni Vice President Leni Robredo ayon kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Usec. Lorraine Badoy.

BASAHIN: NTF-ELCAC, may hamon na debate kay VP Leni Robredo

Ito’y matapos na tutulan ng pangalawang pangulo ang pagbibigay ng pondo sa NTF-ELCAC.

Tutol si Badoy sa tinuran ng Pangalawang Pangulo para suportahan nito ang unay pagaalis sa pondo ng NTF-ELCAC.

Ang pangalawa ay ang tuluyang pagtatanggal ng kapangyarihan at mandato nito sa ilalim ng binuong Executive Order No. 70 na pangunahing programa ng anti-insurgency campaign ng Duterte Administration.

Giit ni Usec. Badoy, taliwas ang ipinapakitang suporta ng maraming mambabatas at mga nasa gobyerno kaugnay sa isinusulong na pagbabago sa mga barangay mula sa pananalasa ng CPP-NPA-NDF.

Hamon nito sa mga politiko, bumaba sa totoong laylayan ng pamahalaan para malaman nito ang kalagayan ng maraming mamamayan.

Para naman kay Retired General Antonio Parlade Jr, ang pagtapyas o tuluyang pagwalis sa NTF-ELCAC ay malaking insulto ito sa pagkakapasa ng Anti Terror Law pero mismong mga nasa Kongreso at pamahalaan din ang may nais na lumpuhin ang programa.

Sa kabilang banda, bilang katuwang sa implementasyon ng NTF-ELCAC sa mga kabayanan sa bansa, hindi pabor ang pamunuan ng PNP Directorate for Community Relations sa mungkahing budget cut at posibleng pag aalis nito sa anti-insurgency campaign ng Duterte Administration.

Ayon kay PMGen. Bartolome Bustamante, Directorate for Police Community Relations, malaki ang magiging epekto nito sa mga programang pangkomunidad.

Lalo na ngayon aniya at tuluy-tuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagsisipagsuko at bumabalik sa lipunan kaugnay ng ipinatutupad na barangay development program sa ilalim ng NTF-ELCAC.

Aminado si Bustamante na malaking tulong ang NTF ELCAC sa katahimikan sa mga komunidad kasabay ng unti-unting pag-angat ng pamumuhay ng mga tao lalo na sa lugar na dating kuta ng CPP-NPA-NDF bagay na hindi aniya ito nakikita ng mga tutol sa implementasyon ng naturang programa.

Kahapon, nasa mahigit isandaang PNP personnel ang nagsipagtapos sa kanilang community relations training para maging katulong ng pamahalaan sa pagpapatupad hindi lang sa kapayapaan kundi maging sa seguridad ng mamamayan laban sa CPP NPA.

Mas lalo pang napalawak ang ugnayan ngayon ng komunidad at kapulisan dulot ng malakas na tiwala ng mamamayan ngayon simula nang maipatupad ang NTF ELCAC sa bansa.

Sa huli, kung patuloy na tututulan ng marami ang programang ito, iginiit ng NTF ELCAC na hindi malayo na manumbalik ang dating estado ng bansa na balot sa takot, pangamba at kawalan ng pag-asang bumangon dahil sa paghahari-harian ng mga komunistang teroristang grupo na CPP NPA NDF.

SMNI NEWS