Oplan Tokhang
National

VP Leni Robredo, ipahihinto ang Oplan Tokhang sa kanyang pag-upo sa ICAD

NAIS ni Vice President Leni Robredo na ipahinto ang Oplan Tokhang ng Philippine National Police sa kaniyang pag-upo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti- Illegal Drugs o ICAD.

Nanindigan si Robredo na dapat mahinto ang marahas na kampanya at magkaroon ng panibagong approach sa war on drugs.

Nais naman ni Robredo na mapanatili ang mga magagandang nasimulan ng giyera kontra droga at palitan ang approach ng mga programa sa war on drugs na dapat nang mahinto.

Hangad naman ni Robredo na magkaisa silang lahat sa ICAD upang magtagumpay ang programa.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang meeting ng ICAD na pinangunahan ni Robredo at PDEA Chief Aaron Aquino.

Magkakaroon naman ng press conference pagkatapos ng meeting.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *