VP Leni, mas nais na matalo si BBM sa halalan kaysa sa ma-disqualify

VP Leni, mas nais na matalo si BBM sa halalan kaysa sa ma-disqualify

MAS gugustuhin ni Vice President Leni Robredo na matalo si dating Senador at Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa susunod na halalan.

Ito ang inihayag ni Robredo sa gitna ng mga petisyon na inihain sa Commission on Elections (COMELEC) upang ma-disqualify ang kandidatura ni BBM.

Sinabi ni Robredo na hindi na nito papakialaman ang disqualification case ni BBM at mas gusto nyang talunin ito sa eleksyon.

“Ayokong mag-comment doon sa DQ case but if you were to ask me, mas gusto ko talunin natin siya sa election para matapos na ito,” pahayag ni Robredo.

Ito rin aniya ang makapagbibigay linaw sa mga kinakaharap nilang isyu na nandaya siya noong 2016 election.

“Nung natalo ko siya sa election, dahil ino-own niya ‘yung social media, andaming naniniwala na dinaya ko siya kahit ilang beses pa ako nanalo sa SC. Ito ‘yung narrative na pinu-push niya. So kailangan talagang talunin siya sa susunod na election para once and for all mahinto na ‘yung ginagawa niya na pagpapaniwala sa tao nung narrative na gusto niyang i-push,” dagdag ng pangalawang pangulo.

Samantala, nagpayag din ng pag-aalala si Robredo kasunod sa umano’y pag hack sa server ng Comelec.

Ipinunto pa nitong kailangang tutukan ang buong proseso sa halalan upang ang totoong boto ng tao ang lalabas na resulta sa eleksiyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *