Give Us This Day
National

Voter’s education, tinalakay sa Give Us This Day program ni Pastor Apollo

Naging malaman ang espesyal na episode ng Give Us This Day ni Pastor Apollo C. Quiboloy na inere ng Sonshine Media Network International.

Ano ang mga dapat gawin ng mga kandidato o botante sa panahon ng halalan?

Alin ang mga ginagawang labag sa batas?

Gabay sa mga boboto?

At iba pang mga isyu hinggil sa papalapit na Brgy at SK election.

Ilan lamang ito sa tinalakay sa espesyal na edisyon ng programang Give Us This Day ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Sonshine Media Network International.

Naging panauhin sa programa ang dalawang kilalang mga abogado sa bansa, ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal, at ang DEAN ng College of Law ng Jose Maria College na si Atty. Israelito Torion.

Maliban kay Pastor Apollo, kabilang din sa nagtanong sa mga panauhing abogado tungkol sa mga pangunahing isyu ngayong halalan ang beteranong broadcaster na si Mike Abe.

Dito ay ipinaliwanag ni Atty. Macalintal at Atty. Torreon ang ilan sa mga palaging ginagawang paglabag sa election laws ng ilan sa mga kandidato tulad ng paglalagay ng mga campaign materials sa mga lugar na hindi ideneklarang common poster area; overspending o ang paggastos ng kandidato na lagpas sa sinasabi ng batas na P5 lang bawat botante; talamak na vote buying, at iba pa.

Para kay Macalintal, dapat ay gumawa ng pulidong hakbang ang pamahalaan hinggil rito upang hindi na maging paulit-ulit na nangyayari ang mga problema.

Binigyang-diin ni Macalintal na ang pandaraya sa eleksyon ay hindi lang nangyayari sa loob ng presinto kung saan ka bumoboto gaya ng iniisip ng karamihan.

Iginiit naman ni Pastor Apollo, na dapat ay manumbalik na ang orihinal na adhikain ng pagtakbo sa halalan ng isang kandidato.

Isa namang tula na dasal ang inalay ni Atty. Macalintal.

Bago naman magtapos ang programa isang panalangin naman ang ipinagkaloob ni Pastor Apollo para sa maayos at mapayapang election.

Ulat ni Jhomel Santos

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *