Voter registration walang ekstensyon — COMELEC

Voter registration walang ekstensyon — COMELEC

WALANG magiging extension deadline ng nationwide voter registration para sa 2022 elections ayon sa Commission on Elections o COMELEC kamakailan.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon sa isang interview hanggang Setyembre 30 lang ito at ito na ang huling araw ng registration.

“I would like to emphasize that the registration is going to end on September 30, and there will be no extension,” pahayag ni Guanzon.

Aniya maaaring pumunta ang mga aplikante sa mga opisina ng COMELEC mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Required ang mga ito na magdala ng identification card o ID, sariling ballpen at registration form.

Dapat rin lahat ay may suot na faces masks at face shield bilang pagsunod sa health protocol.

Sa nakaraang pagdinig ng Committee on Electoral Reforms nitong Pebrero, iminungkahi ni Senator Francis Pangilinan na palawigin pa ng hanggang 30 araw ang deadline ng voter registration.

Ang suhestyon ng senador ay kasunod ng ipinakita na datos ng COMELEC kung saan sa 73 milyong Pilipino na dapat maging registered voter, 15 milyong Pinoy pa ang kailangang magparehistro.

Ani Pangilinan ang filing of candidacy ng mga politiko sa Oktubre ay makatutulong sa information campaign ng COMELEC para mahikayat pa ang mas maraming Pilipino na magparehistro.

Sinabi ng COMELEC, bukas ito sa posibilidad na i-extend ang voter registration period ngunit lubos na maapektuhan ang mga nakalaang schedule ng ahensya para sa 2022 elections.

Sa isang interview noong nakaraang buwan pinaliwanag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na maraming gagawing preparasyon ang ahensya para sa may 2022 national polls kung kaya’t hindi sila maaaring tumutok lamang para sa registration.

“Unfortunately, it’s not likely to have it extended because the day after the close of registration, the filing of the Certificate of Candidacy will commence, which means we have to start preparing for election day documents, what we call project of precincts, and the only way we can start doing that is if we close the voters’ registration,” ayon kay Jimenez.

Ani Jimenez kung patuloy na mag-iiba ang bilang ng mga magpaparehistro, mahihirapan sila na mag-printa ng eksaktong bilang ng mga ballots.

(BASAHIN: 2 senador, hinihimok ang COMELEC na dagdagan ang voting precincts para sa 2022 elections)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *