Vote buying sa
National Regional

Vote buying sa Mindanao, nais patuldukan kay Duterte

NANANAWAGAN ngayon ang multi sectoral group mula Mindanao kay Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang talamak na umano’y vote buying sa rehiyon.

Ayon sa grupong Bangsamoro multi-sectoral group against vote buying and selling, naka-pagtala na sila ng 675 na kaso ng vote buying at kumpiyansa silang sasapat ang kanilang reklamo para patunayan ito sa Comelec.

Kaugnay nito, panawagan naman nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang failure of elections ang mga lugar kung saan mapapatunayang mayroong vote buying.

Umaasa naman ang naturang grupo na patutugunan ng pangulo ang kanilang panawagan para sa tapat at malinis na halalan sa rehiyon.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *