Volleyball players na sina Djanel Cheng at Jonah Sabete, muling nagbabalik sa Petro Gazz team

Volleyball players na sina Djanel Cheng at Jonah Sabete, muling nagbabalik sa Petro Gazz team

MULING nakuha ng Petro Gazz team ang setter na si Djanel Cheng, outside hitter Jonah Sabete at libero Cienne Cruz.

Ito ay bilang bahagi ng proseso ng muling pagbi-build-up nito para sa Premier Volleyball League (PVL) open conference na itinakda sa susunod na buwan.

Ang Petro Gazz angels ay ang professional women’s volleyball team na naglalaro sa Premier Volleyball League.

Nagbalik sina Cheng at Sabete sa grupo ng angels pagkatapos ng isang taong pananatili sa Sta. Lucia Realtors.

Kabilang rin sa players ng Petro Gazz ay sina Grethcel Soltones, Myla Pablo, Rem Palma, Chie Saet, at Seth Rodriguez.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *