Volcanic earthquake
National

Volcanic earthquake, umabot na sa 212 ayon sa Phivolcs

UMABOT na sa 212 ang naitalang volcanic earthquake na dulot ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

Batay sa 8 AM Taal Volcano Bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), 81 sa nasabing bilang ng earthquake ay naramdaman sa pagitan ng Intensity 1 hanggang 4 sa Tagaytay City, Cavite.

Maliban dito, nakapagtala rin ang bulkan ng lava fountains at paglalabas ng usok ngayong umaga.

Paliwanag naman ni Phivolcs Director Renato Solidum, ang mga nararanasang volcanic earthquake ay dahil sa pag-akyat ng magma sa bunganga ng bulkan.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 4 ang status ng Bulkang Taal kung saan posible ang hazardous explosive eruption anumang oras o araw.

Mahigpit namang ipinagbabawal ang pagpasok sa 14-kilometer radius mula sa Taal main crater dahil sa patuloy na pag-aalboroto nito.

Banta ng explosive eruption sa Bulkang Taal, nananatili

Nananatili pa rin ang banta ng explosive eruption sa Bulkang Taal.

Sa press conference, sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na nagpapatuloy ang aktibidad ng bulkan kabilang na ang lava fountaining at pagbuga ng abo.

May banta rin aniya ng pagkakaroon ng landslide sa paligid ng Taal Volcano.

Hindi naman masabi ni Solidum kung kailan posibleng sumabog ang Taal Volcano dahil nakadepende aniya ito sa bilis ng pag-akyat ng magma.

Sinabi ng Phivolcs director na inaasahang marami pang aktibidad mula sa Taal Vocano sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na nararanasang lindol.

Dagdag pa ni Solidum na simula kahapon ay wala ng ash fall sa Metro Manila at patungo na lamang ito patimog-kanluran.

Kahapon nang sinabi ni Phivolcs Volcano Monitoring Division Chief Ma. Antonia Bornas na maihahalintulad sa ‘atomic bomb explosion’ ang itsura ng posibleng hazardous eruption ng Bulkang Taal pero hindi naman kasinglakas nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *