Visayan bloc
National

Visayan bloc sa Kamara, bloc voting ang pagboto sa susunod na speaker

NAGKASUNDO na ang 41 mambabatas na parte ng Visayan bloc sa Kamara na magsagawa ng bloc voting para sa botohan ng susunod na House Speaker sa 18th Congress.

Kinumpirma ni outgoing Negros Occidental Rep. Albee Benitez, lider ng Visayan bloc sa Kamara na napagkasunduan nilang bumuto ng iisa ng kandidato bilang lider ng Kamara.

Aniya, magiging batayan sa kanilang pagpili ng ihihirang na susunod na speaker ay ang kakayahan na pagkaisahin ang Kamara at makakatrabaho ng maayos ng ehekutibo.

Samantala, magpupulong muli ang Visayan bloc sa susunod na buwan upang isapinal ang kanilang manok bilang speaker.

Inaasahan naman ng grupo na tataas pa sa 47 ang kanilang miyembro sa 18th Congress para sa mas lalo pang ikakatibay ng naturang bloc.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *