Vina Morales, nabiktima ng snatcher sa isang gas station sa EDSA

Vina Morales, nabiktima ng snatcher sa isang gas station sa EDSA

NAGPAHAYAG ng pagkalungkot si Vina Morales matapos itong mabiktima ng snatcher sa EDSA.

Batay sa kuwento ni Vina nasa gas station siya at nakalimutan niyang isarado ang bintana at saktong gamit niya ang kanyang telepono pero nagulat na lamang siya ng agawin ito sa kanya.

Agad na hinabol ni Vina ang snatcher dahil sa pagkabigla pero hindi niya na ito naaubutan.

Inanyayahan din siya ng mga pulis na magpa-blotter pero tumanggi si Vina dahil sa banta ng COVID-19.

Aniya, telepono lang naman daw yun at ipapasa-Diyos niya na lamang ang nangyaring insidente.

Gayunpaman, nalungkot si Vina dahil hindi niya maintindihan kung bakit may mga ganoong tao.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *