Villar, muling nanawagan ng cash-aid para sa mga magsasaka

Villar, muling nanawagan ng cash-aid para sa mga magsasaka

MULING nanawagan Si Senator Cynthia A. Villar para sa agarang tulong pinansiyal o cash-aid para sa mga magsasaka.

DAHIL sa malaking pinsala sa agrikultura na aabot sa mahigit P600-M dulot ng bagyong Maring na rumagasa sa ilang lugar sa bansa.

Base sa pinakahuling data ng Department of Agriculture (DA), naapektuhan ng bagyong Maring ang 29,063 magsasaka at mangingisda na ang volume ng production loss ay 36,354 metric tons (MT).

Napinsala rin ang 32,882 ektaryang agricultural areas sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region at Western Visayas.

Bukod sa pinakahuling bagyo, ang mababang presyo ng palay at ang COVID-19 pandemic ang ilan din sa mga dahilan upang bigyan ng pinansiyal na tulong ang mga magsasaka na apektado ang kanilang buhay at kita ng mga ganitong hamon.

Kasalukuyang hinihintay pa ang lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte para maisabatas ang cash-aid to Filipino Rice Farmers Act of 2020 na pakikinabangan ng may 1.673 milyong maliliit na magsasaka.

Isinulong ni Villar, chairman ng Senate Agriculture and Food Committee, para ma-institutionalize ang pagbibigay sa rice farmers ng sobrang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) mula sa  P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

“The Cash Assistance for Filipino Rice Farmers Act of 2020 recommends that any amount in excess of the P10-B RCEF collection by the BOC shall automatically be given as cash assistance to rice farmers who are tilling 2 hectares or less of rice land, which is estimated at 1.673 million as listed in the Registry System of Basic Sectors (RSBS),” ayon kay Villar.

Iginiit ni Villar na ang financial subsidy sa mga magsasaka ay alinsunod sa mandato ng Republic Act 11203 o An Act Liberalizing the ,  Exportation or Trading of Rice or the Rice Tarification Law.

Sinabi ni Villar na patuloy ding nahaharap ang Filipino rice farmers sa mga hamon dulot ng liberalization ng rice importation noong 2019, ang mga nakapipinsalang bagyo na sumisira sa sakahan at ang COVID-19 pandemic.

“So I strongly believe that our farmers need more support and assistance to cope up with the several challenges, especially now that we are in a pandemic, and their health is also at risk,” sabi ni Villar.

“This would alleviate their living condition brought about the declining palay prices due to several factors and the coronavirus pandemic,” dagdag nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *