Vientiane isinailalim sa 2 linggong lockdown

Vientiane isinailalim sa 2 linggong lockdown

ISASAILALIM sa lockdown ang kapital na syudad ng Vientiane ng Laos, sa loob ng dalawang linggo.

Ipinagbawal nito ang pagbibiyahe sa pagitan ng mga probinsya na may mataas na kaso ng COVID-19.

Lumabas noong nakaraang taon na mas mababa pa sa animnapung kaso ng COVID-19 mayroon ang bansa dahil sa mababang testing rate nito.

Pero dahil sa pagtaas ng kaso noong buwan ng Abril, isasailalim sa lockdown ito ngayon sapagkat nagkaroon ito ng pagtaas sa apatnaraan at animnaput pitong bagong kaso ng lokal na impeksyon.

Nagdeklara ang Mayor ng Vientiane ng dalawang linggong istrikstong lockdown sa syudad dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso nito sa kanilang lugar.

Ipinagbabawal rin ang pagbibiyahe sa pitong probinsya na may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 habang ang pagpasok sa Vientiane ay nangangailangang sumailalim sa quarantine ng labing apat na araw.

Samantala, lahat ng pampublikong pagtitipon maging mga relihiyosong aktibidad ay ipinagbabawal na rin.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *