Victoria Vincent, tinanggihan ang alok na maging MU New Zealand

Victoria Vincent, tinanggihan ang alok na maging MU New Zealand

TINANGGIHAN ni Victoria Velasquez Vincent, ang Miss Cavite at nanalong Miss Universe Philippines 2021 Charity ang alok na maging pambato ng New Zealand sa Miss Universe 2021.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Victoria na pagkatapos ng coronation night ng MUPH ay agad na may nag-alok sa kanya na maging Miss Universe New Zealand 2021.

Matatandaan na ang 25-year old na beauty queen ay tubong New Zealand at nakauwi lang ng Pilipinas ngayong taon sa kasagsagan ng pandemya dahil sa kanyang pangarap na maging beauty queen.

Ang kanyang ama ay Irish at Caviteña naman ang kanyang ina.

Si victoria ay may double master’s degree sa architecture and heritage conservation mula sa University of Auckland.

Ayon sa beauty queen, marami man ang nanghihinayang sa oportunidad na lumapit sa kanya pero desisyon niya at ng kanyang pamilya na tanggihan ito dahil iyon ang tama.

Nagpasalamat naman si Victoria sa pamunuan ng Miss Universe New Zealand sa pagtitiwala sa kanya ngunit nais aniya niyang patunayang isa siyang Pilipina sa puso kahit na hindi siya ipinanganak dito sa Pilipinas.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *