Vice president ng Tokyo Olympics Committee, nagpositibo sa coronavirus

Vice president ng Tokyo Olympics Committee, nagpositibo sa coronavirus

KINUMPIRMA ng mismo ng bise-presidente ng Tokyo Olympics na si Kozo Tashima na nagpositibo ito sa coronavirus disease 2019.

Ayon sa ulat, maraming dinaluhang business meetings sa labas ng bansa si Tashima noong nakaraang buwan ng Pebrero.

Isa na rito ang taunang pagpupulong ng international football association sa Belfast, North Ireland, ang lawmaking body sa World Soccer.

Pagkatapos dito, pumunta ng Amsterdam sa The Netherlands ang opisyal para magbigay ng presentasyon sa ninanais ng Japan na maging host ng 2023 Women’s World Cup.

Noong Marso 3 ay dumalo ito sa pagpupulong ng UEFA – ang governing body ng soccer.

Pumunta din ang opisyal sa Estados Unidos para muling magpresenta na mag-host sa 2023 Women’s Cup at nanood pa ito sa laro ng Japan Women’s Team para sa She Believes Cup bago umuwi ng Japan noong Marso 8.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *