kinasal na
Showbiz

Vhong Navarro at Tanya Winona Bautista, kinasal na matapos ang labing isang taong pagsasama

MATAPOS ang kaliwa’t kanang wedding proposal ng mga celebrities, ikinasal na ang actor-tv host na si Vhong Navarro sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya Bautista nitong Huwebes, November 28.

Sa isang Instagram post ng host-athlete na si Kim Atienza inilabas nito ang video clip mula sa kasalan ng dalawa na may caption na ‘Mamaya pa yan Vhong’ ay makikitang akmang hahalikan ni Vhong si Tanya.

Ginanap naman sa isang hotel sa Kyoto, Japan ang kanilang wedding ceremony na Dinaluhan ng mga kaibigan at kasamahan nito sa showbiz.

Isa si Dra. Vicki Bello sa kanilang principal sponsor, habang kasama naman ang mga katrabaho nitong si Ryan Bang, Billy Crawford at Jhong Hilario sa groomsmen nito.

Nagsilbi namang wedding singer ang kaibigan at kasama nito sa trabaho na si Karylle kasama ang asawa nitong si Yael Yuzon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *