Veto powers, posibleng gamitin ni Duterte kung hindi ibabalik sa P28-B ang pondo ng NTF-ELCAC sa 2022

Veto powers, posibleng gamitin ni Duterte kung hindi ibabalik sa P28-B ang pondo ng NTF-ELCAC sa 2022

NAKIKITA ng isang former rebel na malaki ang posibilidad na gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang veto powers kung hindi ibabalik sa P28 billion ang pondo ng NTF-ELCAC sa 2022.

“Now Congress, wa ko kasabot ani (I don’t understand it). Puwede ba palitan ninyo ‘yung mga senador? [applause] Wala talaga eh. Sila ‘yung naga… Itong original na — I think it was 19 billion — [28?] [Official: Billion.] Tapos oo, bilyon-bilyon. Tapos ito gituli nila. Wala na. So kailangan ma-restore ‘yan.”

Ganyan na lamang ang pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga senador na nagbawas sa pondo ng NTF-ELCAC.

Nitong nakaraang buwan, P24 billion ang tinapyas ng Senado mula sa naunang P28 billion na request ng executive department para sa task force na nakatutok sa pagbibigay ng proyekto sa mga liblib na lugar sa bansa na dating pugad ng mga teroristang NPA.

Kinuwestyon rin ng mga senador ang absorptive capacity ng task force dahil sa mga hindi pa natatapos na proyekto nito sa kabila ng malaking budget.

Para naman sa host ng Laban Kasama ang Bayan na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz, dating CPP-NPA-NDF member, mabigat ang kahulugan ng mensahe ng pangulo.

“Nakikita natin na ito ay strong warning sa Senate na hindi pwedeng ibibigay ng Pangulo sa hindi makaratungan, walang batayan at puno ng malisyosong hakbang ng pagtibas ng boto para sa budget ng Barangay Development Program na siyang pinaka-sentro ngayon ng NTF-ELCAC. Which means gusto ng Pangulo ipahiwatig sa Senate and to Congress in particular na ang ultimate decision particular sa pag-approve ng budget at pagpapatupad nito ay nasa kamay ng Pangulo,” pahayag ni Celiz.

Nakikita nito na ang nagbabadyang paggamit ng Pangulo sa kanyang veto powers kung hindi ibabalik ang pondo ng NTF-ELCAC.

Ang ‘veto’ay isang katangi-tanging karapatan ng Presidente na tanggihan ang isang panukalang batas na ipinasa ng lehislatura upang maging isang batas.

At kung tatamaan dito ang pambansang pondo, maaapektuhan ang implementasyon ng mga programa ng pamahalaan dahil mababalam ang pagsasabatas ng national budget.

Sa Senate version, P10.8 billion lamang ang pondo ng Task Force para sa susunod na taon- malayo sa orihinal na P28 na request.

Ayon naman kay Senate President Tito Sotto III, maaaring rebyuhin ang NTF-ELCAC budget sa bicam.

 “We can check in the Bicam,” pahayag ni Senate President Tito Sotto III.

“Dapat! At sa tingin ko baka Itaas nila ito o ibalik sa P28 billion at kapag hindi nangyari ito, the President may exercise line veto. Ang ibig sabihin ng line veto, item per item. Pwede niyang ibalik ito at pahahanapan niya sa bicameral committee ng Senate and Congress ng Lower House ang mga ganitong problema. Mataas ang possibility na igigiit ng mga House Leaders ang original version sa P28.2 billion para sa 1,406 barangays because naipasa na ito sa Lower House,” tugon naman ni Celiz.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *