party-list system
National

Verbal agreement, hindi maaaring gamiting ground for impeachment —Drilon

HINDI na nagulat si Minority leader Franklin Drilon matapos hindi pumayag ang China na magkaroon ng third party sa ginagawang imbestigasyon kasunod ng maritime incident sa Recto Bank.

Ayon kay Drilon ito ay dahil kailangang maging consistent ng China sa kanilang stand na pag-aari ng bansa  ang 9 dash line sa bahagi ng West Philippine Sea at ang pagkakaroon ng third party ay hindi bentahe para sa kanila.

Samantala, naniniwala naman si Drilon na ginamit lamang ni Pangulong Duterte ang pagiging abogado at prosecutor ng pumayag ito sa verbal agreement noong 2016.

Paliwanag ni Drilon, ito ay dahil alam ng pangulo na hindi siya mapapahamak o ma-iimpeach sa ganitong klaseng stratehiya.

Aniya, hindi kasi maaring ma-impeach ang pangulo kung wala namang maipapakitang ebidensya sa nangyaring agreement gaya ng dokumento o verbal testimony mula sa dalawang bansa.

Ayon sa dating Justice secretary sa lahat ng imbestigasyon mahalaga ang rule  of evidence para tuluyang hatulan ang pangulo.

MARGOT GONZALES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *