Venezuela, haharapin ang Chile sa Football World Cup

Venezuela, haharapin ang Chile sa Football World Cup

MAGLALABAN ngayong-araw ang Venezuela at Chile para sa Football World Cup qualifiers 2022.

Matapos matalo ng Brazil ang Venezuela ay muli itong makikipaglaro sa bansang Chile ngayong-araw para sa South American Football World Cup qualifiers 2022.

Sa lima nitong laban ay isang beses pa itong nanalo sa World Cup qualifiers kaya ngayong-araw ay susubukan nitong matalo ang bansang Chile.

Sa ika-labindalawang round ng nalalapit na World Cup Tournament ay maghaharap ang Venezuela at Chile sa San Carlos De Apoquindo Stadium sa Chile sa ganap na alas 9:00 ng gabi.

Ito na ang pang-labing anim na beses na nagkaharap ang dalawang bansa sa World Cup qualifiers, at dalawang beses na ring naging tabla ang score ng magkabilang team.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *