VaxCert app ng DICT, makakatulong sa pamahalaan hinggil sa vaccination status ng moviegoers- FDCP

VaxCert app ng DICT, makakatulong sa pamahalaan hinggil sa vaccination status ng moviegoers- FDCP

MAKAKATULONG ang VaxCert app ng Department of Information and Communications (DCIT) para ma-assess ang vaccination status ng magiging moviegoers.

Ayon ito kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Dino-Seguerra.

Ito’y matapos napagdesisyonan na maaari nang bubuksan sa ilalim ng alert level 03 ang venue para sa meetings, incentives, conferences at exhibitions.

Maging mga venue para sa parties, weddings, family reunions at bridal o baby showers.

Kabilang rin ang mga visitor o tourist attractions at recreational venues tulad ng cinemas at movie houses.

Ibinahagi naman ng FDCP na sa tulong ng VaxCert app marami ng maaaring buksan sa ilalim ng alert level 03, senyales na umano ito ng pagbangon sa ekonomiya ng bansa.

Magugunitang inaprubahan na ng inter-agency task force ang rekomendasyon na isailalim na sa alert level 03 ang Metro Manila.

Magsisimula ito sa October 16 hanggang 31, 2021.

Samantala, sa lahat na magbubukas na cinemas at movie houses, sana’y mai-prioritize nito ang gawang pinoy na mga palabas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *