Valenzuela
Metro

Higit 100 pamilya sa Valenzuela City, nasunugan

Tinupok ng apoy ang nasa limampung kabahayan sa isang residential area sa Sitio Libis, General T. De Leon, Valenzuela City.

Pasado alas-dyes ng umaga nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalimang alarma bago naapula kaninang alas 12:02 ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), tinatayang nasa isandaang pamilya ang nawalan ng tirahan.

Naging pahirapan ang pag-apula ng apoy dahil mababa ang lugar at halos walang madaanan ang mga bumbero.

Sa kasagsagan ng sunog, agad na sinuspinde ang pasok sa kalapit nitong paaralan na Antonio M. Serafico Elementary School sa takot na umabot dito ang apoy.

Nasa 33 na firetruck na galing sa ibat ibang lungsod at organization ang rumesponde sa insidente.

Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy at ang kabuuang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *