Vaccination sites sa mga mall sa Pampanga, posibleng isagawa

Vaccination sites sa mga mall sa Pampanga, posibleng isagawa

POSIBLENG ipatupad sa lalawigan ng Pampanga ang pagbubukas ng mga vaccination sites para mas mapabilis pa ang pagbabakuna kontra COVID-19.

Plano ng pamahalaang lungsod ng San Fernando, Pampanga na magkaroon ng mga vaccination sites sa loob ng mall para mapabilis ang pagbabakuna sa mga residente ng lugar.

Ayon kay Dr. Carlos B. Mercado, Officer-in-Charge ng City Health Office at Incident Commander, layunin nilang mapabilis ang vaccination rollout na hindi nakokompromiso ang kapakanan ng mga residente.

Sa ngayon, mayroong 3 vaccination hubs sa lungsod na matatagpuan sa Heroes Hall, Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital (JBLMRH) at ang Our Lady of Mt. Carmel Medical Center (OLMCMC).

Ang JBLMRH ay ang unang ospital na naging katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagbabakuna kung saan mula Martes hanggang Miyerkules, ang JBLMRH ay nagbibigay ng bakuna sa 1,000 mga senior citizen ng lugar.

Sinabi naman ni Dr. Suzette K. Muñoz, OLMCMC Chief Medical Officer, dahil sa kakulangan ng manpower ay hanggang 100 bakuna kada araw lamang ang kanilang naibibigay tuwing Sabado ngunit kung madaragdagan ang kanilang mga tauhan at suplay ng bakuna ay maari na silang makapag operate ng 2 araw pa.

Samantala, nitong Hunyo 6, ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay umabot na sa 5,004 habang 528 ang aktibong kaso at 158 naman ang nasawi dahil sa sakit.

(BASAHIN: Libreng bakuna ipinamahagi sa mga senior citizen ng San Fernando, Pampanga)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *