CORONAVIRUSNational

Uunahin ang mga mahihirap kapag dumating na ang COVID-19 vaccine —Duterte

WoodProfit

UUNAHIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga mahihirap na Pilipino kapag dumating na ang COVID-19 vaccine sa bansa.

Ang susunod naman ay ang mga nasa middle class, maging ang mga sundalo at mga pulis.

Ani Pangulong Duterte, bumili na lamang ng bakuna ang mga mayayaman.

Matatandaang, hiniling ni Pang. Duterte si Chinese Pres. Xi Jin Ping na unahin ang bansa sa matutuklasang bakuna.

Samantala, kasali ang mga makakaliwang grupo sa pababakunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na hangga’t walang gagawing masama ang mga makakaliwang grupo ay maaari itong makapag-avail ng COVID-19 vaccine.

Ani Pangulong Duterte, walang problema aniya kahit pa iaanunsyo nito na myembro ito ng New People’s Army o NPA.

Hindi man aniya sana karapat-dapat ang mga ito pero sa ngalan ng pagiging Pilipino, ay handang tumulong ang pangulo.

PHOTO JOB

Binabalaan lang ni Duterte ang mga makakaliwang grupo na kung galawin nito ang mga sundalo at iba pang frontliners sa kasagsagan ng pandemya, ay tiyak aniyang may hindi magandang mangyari sa pagitan ng pamahalaan at mga leftists.

Samantala, sa ngayon ay wala pang tiyak na araw kung kailan magkakaroon ng vaccine sa nasabing virus.

SMNI NEWS

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close