Utang ni Pacquiao sa BIR at ang P3.5-B proyekto sa Saranggani, kinuwestyon ni Pastor Apollo

Utang ni Pacquiao sa BIR at ang P3.5-B proyekto sa Saranggani, kinuwestyon ni Pastor Apollo

KINUWESTYON ni Pastor Apollo Quiboloy, Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, si Senator Manny Pacquiao kaugnay sa utang nito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang proyekto nito na nagkahalaga ng bilyon-bilyong piso sa Sarangani.

Kabilang sa kinuwestyon ni Pastor Apollo ang P2.2 bilyong halaga ng utang ng buwis at ang P3.5 bilyong halaga ng Primary Sports Development and Training Center sa probinsiya ng Sarangani na isinabatas ng senador.

Primary Sports Development and Training Center sa probinsiya ng Sarangani

Matatandaan na bago umalis ng bansa si Pacquiao, inakusahan nito ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dalawa o tatlong beses na lumala ang korupsiyon kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Nagpahayag din si Pacquiao na nais nitong tumakbong pangulo sa 2022 elections at isusulong nito ang war on corruption.

Ayon kay Pastor Apollo, kung nais ng senador na maging pangulo at kung talagang hindi ito korup o tiwali gaya ng sinabi nito, dapat nitong sagutin ang mga tanong ng taumbayan kahit pa nasa Amerika ito.

Bukod pa dito, dapat din aniyang ipakita ni Paquiao ang mga ebidensya sa alegasyong korupsiyon nito laban sa mga ahensya ng gobyerno at maging responsableng mambabatas na nakatutok sa trabaho bilang halal ng bayan.

Binigyang-diin ni Pastor Apollo na suriing mabuti ng mga Pilipino ang kanilang ihahalal na pangulo sa susunod na taon.

Tahasang sinabi ng butihing pastor na kung maaari lang ay gawin nang president for life si Pangulong Duterte para patuloy ang pagbabago at pag-unlad ng Pilipinas.

BASAHIN: Transcript of Records ni Senator Pacquiao, hiniling na isapubliko ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *