Utah Jazz Jordan Clarkson, ibinida ang pagiging Pilipino

Utah Jazz Jordan Clarkson, ibinida ang pagiging Pilipino

IBINIDA ni Utah Jazz Basketball player Jordan Clarkson ang pagiging Pinoy nito.

Sa pamamagitan ito ng isang Philippine-inspired Nike zoom freak 2 shoe na dinisenyo ng Filipino artist na si Maui Lucero.

Sa kabilang pares ng nasabing sapatos, makikita ang larawan ni Clarkson na nakasuot ng Gilas Pilipinas Team Jersey.

Magugunita na noong 2018 Asian games ay ni-representa ni Clarkson ang Gilas Pilipinas.

Kaugnay nito, ang kabilang pares ay tampok ang larawan ni Jordan Clarkson na naka-Utah Jazz uniform matapos nanalo ito bilang NBA sixth man of the year nitong huling season.

“Puso!” naman ang caption ni Clarkson sa kanyang social media post kasama ang larawan ng sapatos.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *