nasusunog na gubat
International

Usok sa nasusunog na gubat sa Indonesia, umabot na sa Singapore at Malaysia

NAMAHAGI ng mga face mask ang pamahalaan ng Malaysia sa nasa halos kalahating milyong mga residente nito matapos umabot sa bansa ang usok sanhi ng nasusunog na gubat sa Indonesia.

Matinding apoy ang tumupok sa kagubatan sa mga rehiyon ng Sumatra at Kalimantan kung saan nasa mahigit 900, 000 ektarya ang nasunog.

Tinatayang umabot sa 9, 000 katao rin ang ipinadala ng pamahalaan upang pag-tulungang sugpuin ang sunog.

Pansamantala ring pinalikas ang mga residente sa nabanggit na mga lugar.

Kaya naman apektado ang ilang bahagi ng Singapore at Malaysia, kung saan umabot ang mga usok nito.

Nakasarado na rin ang nasa mahigit 400 mga paaralan sa Malaysia sanhi ng usok.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *