Usec. Badoy kay Pastor Apollo: Ang puso mo ay para sa mahirap

Usec. Badoy kay Pastor Apollo: Ang puso mo ay para sa mahirap

PINURI ni NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy si Pastor Apollo C. Quiboloy Chairman ng SMNI news na ang puso ng butihing Pastor ay nasa mahirap.

Lalo na’t siya lamang ang nag-iisang spiritual leader na nagsasalita laban sa mga rebeldeng komunistang grupo.

Para sa opisyal, damang-dama ng mga Pilipino ang sinsiridad ng puso ni Pastor Apollo para sa bayan.

At hinding-hindi nito magagawa ang ibinabatong putik ng mga kalaban ng kanyang paglilingkod.

“We all know Pastor, you know him far better and longer than I have known Him. I’ve known Him for only a short while and yet what I see in Pastor is that authentic heart for the poor and very courageous and that he really wants to end this. Kasi siya lang naman eh. Siya lang naman ang nagsasalita ng ganito na na media no na media outfit, wala nang iba, wala na akong maisip na iba. No so talagang pag-iinitan siya ng mga komunistang ito,”ayon kay Usec. Lorraine Badoy.

Para rin kay Usec. Badoy, pilit na sisirain ng mga prente ng CPP-NPA-NDF ang kredibilidad ni Pastor Apollo.

“Ang pinaka-intent nito ang pinaka-goal nito na ginagawa nila kay Pastor at sa atin ay para patahimikin diba? At saka para tanggalan ng kredibilidad ang SMNI at si Pastor Quiboloy pero nagkakamali sila doon kasi madali lang naman malaman kung sino ang nagsasabi ng sinungaling eh diba? Kasama na natin yung bayan sa laban na ito at alam na alam na ng taumbayan kung sino ang CPP-NPA-NDF at bakit sila nandiyan at sino si Arlene Brosas- isang sinungaling diba? Na nagpapanggap na meron siyang pakialam sa women’s rights pero actually kahit nandiyan ang Gabriela wala silang pakialam sa women’s rights otherwise meron kanang narinig na reklamo sa kanila,”dagdag nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *