Usapin sa press freedom, tinalakay sa anti-SONA protest

Usapin sa press freedom, tinalakay sa anti-SONA protest

WoodProfit

MALIBAN sa usapin hinggil sa trabaho, kawalan ng ayuda sa anila’y mga manggagawang naapektuhan ng COVID-19 at sa kalusugan, naging sentro rin ng anti-SONA protest ang panawagang ibalik ang ABS-CBN.

 

At isa sa mga tumayo para ipanawagan ang aniya’y maling trato ng Kongreso sa ABS-CBN, ang dating reporter ng ABS-CBN News na si Ces Drilon.

 

[su_slider source=”media: 4635,4636,4637″ limit=”26″ link=”post” width=”1600″ height=”860″ pages=”no” mousewheel=”no” autoplay=”3000″ speed=”500″]

 

Giit niya, ang freedom of the press ay isang karapatan ng bawat Pilipino sa malayang access nito sa impormasyon at hindi aniya isang prebilihiyo.

gamebank

 

Ayon pa kay Drilon, malaking kawalan sa maraming Pilipino sa bansa ang pagkawala ng kaniyang dating pinagtatrabahuhan na network mula sa mga palabas nito sa radyo, telebisyon at internet.

 

Dagdag pa ni Drilon, may dalang mensahe din ang pagpapasara ng ABS-CBN Network sa iba pang istasyon sa bansa na posible aniyang maging panakot ito sa paglalahad ng katotohanan kaugnay sa tunay na nangyayari sa lipunan.

 

Samantala, suportado ng ilang miyembro ng Otso Deretso slate ang anti-SONA protest ng maraming grupo sa UP Diliman Campus  gaya nina Atty Chel Diokno, Senator Risa Hontiveros, dating Congressman Neri Colmenares, Makabayan Bloc, mga kinatawan ng transportasyon, mga manggagawa, mga estudyante at ilang pribadong indibidwal.

 

Eksaktong alas dose ng tanghali nang magsiuwian ang lahat ng mga dumalo sa protesta.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *